Thursday, July 3, 2008

sunog

nasunog ang bahay ng mommy ko sa manila. lungkot na lungkot ako... habang kausap ko si mommy sa cellphone, nasusunog ang bahay namin.

minsan, iisipin mo, bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa yo.... ingat na ingat ka, pero ang mga tao sa paligid mo ang hindi nag-i-ingat.

ang sunog, galing sa kabilang bahay. hayyyyyy... nasunog ang buong taas ng bahay. matanda na ang bahay sa manila. built yata ng 1920s pa. puro kahoy ang nasa taas.

buti na lang, walang nangyari kay mommy. yan ang concern namin lahat. nakalabas ng bahay in time, kasama si ik-ik at si lola bing. di ko carry kung meron mangyari kay mudra. di ko talaga carry yan.

pero ang na prove namin, ang daming nagmamahal sa mommy ko. simula sa mga pinsan namin, sa mga kapitbahay, ang mga ka tropa ko from high school, college, at sa trabaho. arrive ang barangay next day para sumuporta kay sugar. thankful kami ng todo.

noong sunday, habang kasama ko si gorio at ang biyenan ko sa simbahan, buong puso ang pagdasal ko ng pasasalamat. alagang alaga talaga ni Lord si sugar.

tapos, kahapon, nag-iiyakan kaming mag-ina. bakit kamo. napaginipan daw niya si ato. nakupo! basta si ato ang napag-usapan, para kaming nasa telenovela ni sugar, at mega cry kami. i-career daw ang kalungkutan oh!

God is Good, God is Great.
He made sure that Mommy is Safe.

Thank you po!

No comments: