Thursday, July 17, 2008

ay-pown!


noong sabado, nakisama kami sa mga nauulol sa iphone at nakipila kami. 7am nasa harap na kami ng apple store. putek, ang feelengas namechie agbayani, una kami. panglima po kami sa linya.

asyali, noong fri - jul 11 nilabas dito ang iphone. e dahil ang apple store na malapit sa housing project e nasa mall, maski ang press issue eh 8am ang open sesame ng mga doors, di kami go kulugo, dahil ang na sense ko, di magbukas ang apple store ng ganon kaaga dahil ang mall e open ng 10am. luzviminda valdez! open na ang itech ng 8am promist!

heniwey haywey, pingatawanan namin, talagang may i wait ang mag jowa. chikahan at super talak ang mga waiting in line, excited ang mga bektas talaga na ma getch ang kapitag pitagang ay-pown.

kaines maghintay. atatitat na kami ni jowa. azz in! si gorio, para maibsan ang paghihintay, read na lang sya ng dyayro. keber nya sa mga mamaw at halimaw na talakan ng talakan kung gano kagaling ang bagong 3G.

alas otso, para kaming mga little puppies na naghihintay sa amo. super mega talak ang store manager, welcome to apple store! etching! umalis ka dyan bakulaw! hindi ikaw ang gusto namin! ilabas mo ang mga 3G!

ang mga bektas, may i laugh, may i talk loud.... talagang keri nila ng todo ang pagmamaganda na knows nila lahat ng bagong pityur. kaming mag jowa.. ma! tumalak kayo ng tumalak at ang panata ko e mailagay lang ang pown sa aking kamay...

2 lang ang unang pinapasok. paksyeth! ano ba yan! naiwan kami. kasi di complete ang cast of characters sa loob ng tindahan. hayyyyyy.... konting tiis pa. tapos, pinapasok uli ang susunod na 2 pagtapos ng 20 min. mabilis lang naman ang pag activate. kaya lang, kaineshhhhhhhh.. atat na atat na ako! ano ba!

at finally, tantararannnnnnn! kami na! woooohoooo. e akala ba may i run to the counter ang lola mo?! wiz! rampa ako sa in todo, na ang drama ko, di ko naman talaga bet yan e, nagpasama lang si jowa. pero ng ask na ang mayda fatalles.. what capacity r u looking at for your 3G? ay naku neng! without batting an eyelash, para akong sumagot kay titser.... i want an 8 gb, 2 units, one for each of us! -ha! super talakera in english. buong pagmamalaki ang sagot ko. azzz in!
sige, pili ng accessories, ask ng mga plans, hay naku! wala ako paki dyan!!!!! bigay mo ang fully activated ay-pown ko!!!!
at.... nakuha namin, after 30 minutes. mag a alas nuebe ng ako ay naging proud owner ng iphone-3G.... bow!



No comments: