
naglalaway talaga ako kumain ng isda, promist, azz in! ang problema, pano ko itatago kay gorio.
noong linggo, na hypnotize ko si jowa. go kami sa grocery ng mga asiano. say ko sa kanya, dyan ka na lang sa car, wait na lang 4 me. payag si gorio, e pano, di nya keri ang lansa aa loob ng grocery. ang mga puti talaga, di feel na maka-amoy ng lansa at makakita ng hipon at isdang meron ulo.
so, may i buy nga ako ng mga ingredients... liempo, hipon, tilapia, at hito! tinago ko ng todo. sa likod ni mickey ko nilagay para di nya talaga ma-sight.
so ngayong martes, habang natutulog si jowa, fastness ang drama ng watashi! tinuro ni mudra kung panu lutuin ang adobong hito. ibabad daw ang hito sa suka, toyo, bawang, asin at paminta. tapos, tanggalin mo sa pagkababad, igulong mo sa arina, tapos may i fry mo ang pis (ganyan i pronounce ni mudra ang fish... heheheh).
nuknukan ng init dito sa minechota, kaya naka on ang central air. bokot ako dahil alam kong ma-a-amoy ni gorio ang niluluto ko. pero, di ko muna inisip yon at ang focus ng akishiwara e kumain nga ng adobo!
entonses, sige lang, may i fry ako ng pis, habang naka bukas ang blower ng. pagkatapos maprito, nilagay ko sa plato, at ang bawang naman ang pinalangoy ko sa nagbabagang mantika. tapos bring back ang pinag babadan ng pis. ayan... meron na akong sows. nilagyan ko ng konting asukal at hinayaang kumapal. presto! meron na akech adobong katpis!
super mega spray ako ng air freshener na cinnamon para di ma smell ni jowa. praying ako na di nya maamoy.
maya-maya, bumaba na si gorio.. ask siya 'did u cook anything?'.... patay-mali ako... say ko 'huh?'... ask siya uli... 'did u cook anything?'. di ko keri na may i lie sa jowa. so umamin ako... sagot ako, 'uh-huh... fish!'. nag-iba ang mukha ni pokpok. say ko agad 'i cooked u some spaghetti!'.... nakalimutan nya na merong katpis. hehehehhe