
G and I went to the INS office this afternoon, and had our interview. Takot na takot akooo! Grabe. Alam mo yong feeling na, paano pag di na approve? Paano pag meron sila hanapin na ibang document. Hayyyy.
Kagabi, di ako nakatulog! Talagang super toss and turn ang drama ng lola mo. Super bokot! As in!
Kaninang umaga, di pa rin ako mapalagay, mukha kamo ako ek-ek. Di ko ma explain kung bakit ako nerbyos na nerbyos.
Pumunta kami ni G sa simbahan, bago tumuloy sa INS office. Sukdulan kamo ang pagdadasal ko talaga. Let Your will be done. Let Your will be done. Parating yong ang dasal ko.
At heto nga, pagtapos ng halos 24 oras na paghihintay, ako ay meron nang berde! Panalo!
1 comment:
Super tuwa - natilig ang Ingles at napa-Tagalog! congrats and welcome to America!
Post a Comment